KALIKASAN, KAPWA at sandamukal na PERA
Ni Ricky “Tagalobo” Florindo
Nakapiring ang balintataw, kuyom
ang busog na palad sa ginto’t pilak,
Blangko ang mukha at paligid,
subalit luntian ang mapaglarong isipan,
Maraming plano, subalit marami
ring gusot na kailangang lusutan,
Nakasusulasok ang taghoy ng
konsensya.
Sanhi ng pagkabulag sa kinang ng
ginto’t pilak.
Saan ba galing
ang ginto’t pilak?
Saan ba galing
ang buto?
Kapwa produkto
ng kalikasan.
Kapwa nagbibigay
ng sandamukal na pera.
Ang malawakang iresponsableng
pagmimina,
Ang malawakang ganid
na pagpapatupad ng mga proyektong reforestation,
Kapwa plano ng
tao para sa kalikasan,
Kapwa rin nagbibigay
ng sandamukal na pera.
Ang kurikong na
dulot ng tagas ng mina,
Ang malawakang
pagbaha na dulot ng naaagnas na kagubatan,
Kapwa epekto ng
pagsasawalang bahala ng mga nanunungkulan at mga mamamayan
Kapwa
mangangailangan ng sandamukal na pera.
Totoong nilikha
ng Maykapal ang kalikasan para sa tao,
Sa katunayan,
unang Niyang nilikha ang Kalikasan bago ang Tao,
Subalit kasabay
nito ay ang tagubilin Nya na pangasiwaan natin ito ng may pagmamahal at
konsensya.
No comments:
Post a Comment