...ei Loboans and friends just click the link below to view the video. This video was taken and uploaded to youtube by one of our town constitutuents. Happy trip!
http://www.youtube.com/watch?v=jj7AoCulvR0Saturday, May 9, 2009
Friday, May 8, 2009
Sino si "Tagalobo"?
Saan hango ang salitang “Tagalobo”?
Ang salitang tagalobo ay kumakatawan sa mga mamamayan na likas na naninirahan o isinilang sa bayan ng Lobo, isang liblib na bayan sa probinsya ng Batangas. Ito ang salitang napili ng may ari ng blog na ito (Ricky Florindo) sapagkat sa nasabing bayan siya ipinanganak, nagkaisip at naninirahan hanggang sa kasalukuyan.
Talambuhay ni Ricky Florindo a.ka. Tagalobo
… Bukang-liwayway noon, kalagitnaan ng buwan ng Hulyo, taon sa panahong malapit ng matapos ang martial law, dumadaluyong ang malakas na sipol ng hangin, tikatik ang buhos ng ulan, mula sa radyong de baterya ay maririnig ang di magkamayaw na pag-anunsiyo sa parating na bagyo, subalit sa isang maliit na tahanan sa isang liblib na nayon, ang lahat ng ito kapagdaka’y napatid ng impit na uha ng isang payat na sanggol na kulang sa buwan…isinilang na si “Tagalobo”.
…Ang kanyang pagkabata’y nababalutan ng misteryo. Mula sa mga nagpasalin-saling kwento nang kanyang mga kamag-anak at maging mula sa bibig ng kanyang ina, ay nabuo ang kwento kung paano naging mahiwaga ang kanyang pagkabata. Isang ordinaryong araw noon, normal ang lahat, abala ang mga mamamayan ng munting baryo ng Balatbat sa kanilang pang araw-araw na mga gawain, nang mabasag ang katahimikan ng palahaw na iyak ng isang Ale, balisa ang galaw, mapapansin sa kanyang kandungan ang walang malay na dadalawahing taong gulang na anak. Nangingitim na ang buong katawan ng bata….tila wala ng buhay. Ayon sa salaysay ng ina, habang abala sya sa pagtitinda sa kanyang munting sari-sari store ay di niya namalayan na may aksidente ng nagaganap sa kanyang musmos. Di umano'y tuwang-tuwang pinaglalaruan ng batang tagalobo ang isang lumang baul, binuksan niya ito ng kanyang mga kamay at sinilip kung anu ang maaari pang laruin sa loob nito nang biglang humulagpos ang kanyang pagkakahawak sa takip nito na yari sa matigas at mabigat na kahoy na Molave. Naipit ang kanyang ulo sa loob ng baul, habang nasa labas nito ang kanyang murang katawan. Sa kabilang dako, Isa-isang nagsilapitan ang mga tao. Di magkamayaw sa kakaisip sa kung anung tulong ang maihahandog sa mag-ina. Lumapit ang lolo ng kahabag-habag na bata. Parang isang doktor na inalam ang bawat detalye at parte ng katawan ng bata. Kapagdaka’y napailing na lang ito, sabay bigkas ng mga salitang "Wala ng buhay si Utoy...ipagdasal na lang natin ang kanyang kaluluwa...subalit wag tayong sumuko...mababawi pa natin siya sa Kanya”. Mabigat ang galaw ng bawat segundo, na sinasabayan ng impit na daing at dasal ng mga tao. Patuloy na lumilipas ang oras. Patuloy na nagdarasal ang mga tao. Patuloy na di nawawalan ng pag-asa. Sa pagpatak ng kamay ng orasan sa ikalimang minuto….muling nagkamalay ang bata. Nagliwanag ang buong paligid dahil sa galak ng mga tao roon na di nawalan ng pag-asa. Ito ay isang himala…ang tanging nasambit ng ina ng bata.
Matagal ng nabaon sa limot ang kwentong ito…subalit paulit-ulit na nagbabalik sa tuwing dinadalaw ng kalungkutan si Tagalobo…
Ang batang “Tagalobo ay kakikitaan ng pagiging bibo. Ginugol niya ang kanyang elementarya sa Mababang Paaralan ng Balatbat. Naging interes niya ang pagtula, pagkanta at pagsulat ng maiikling kwento. Nakarating sa iba’t ibang panig ng bansa upang makipagtunggali sa larangan ng pagtula, pakikipagbalagtasan at deklamasyon. Naging masigasig din siya sa pag-aaral at di kalaunan ay nagtapos sa elementarya na taglay ang pinakamataas na karangalan.
Sa Mataas na Paaralan ng Masaguitsit-Banalo unang tumibok ang puso ni Tagalobo, sa babaeng nagngangalang Myrna. Nahumaling siya sa unang bugso ng pag-ibig. Malapit na siyang magtapos ng sekondarya noon, subalit hindi pa rin niya napabayaan ang kanyang pag-aaral hanggang sa dumating ang ikalawang suntok sa kanyang buhay. Pumanaw ang mahal niyang ama. Inakala ni tagalobo na iyon na ang katapusan ng kanyang mundo, subalit sa tuwing magbabalik sa kanyang gunita ang kwento ng kanyang muling pagkabuhay ay parang muli siyang tinutubuan ng pakpak upang muling magpatangay sa inog nito. Nagtapos si Tagalobo ng sekondarya na kamit ang Ikatlong Karangalang Banggit.
Kabalikat ang alaala ng kanyang yumaong Ama, ay lakas loob na sinuong ni Tagalobo ang hamon ng buhay-kolehiyo sa Universidad ng Pilipinas sa Los BaƱos, Laguna. Sa kabila ng paghihikahos, pinilit niyang tapusin ang kursong Bachelor of Science in Forestry, na di kalaunan ay napamahal na rin sa kanya. Naging karamay niya sa kolehiyo ang kanyang mga itinuturing na kapatid sa mga organisasyong kanyang kinabibilangan tulad ng U.P.Zeta Beta Rho Honor Fraternity at SAMAEKO UPLB. Damang-dama niya noon ang kahirapan ng buhay sapagkat ang kanyang ina na lamang ang tanging nagtataguyod sa kanilang pamilya. At dahil dito nagdesisyon si tagalobo na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho hanggang maluwalhati niyang matapos ang kolehiyo. Natamo ni tagalobo ang ika-walong pwesto sa Forestry Licensure Examination noong taong 2007.
Noong kalaghatian ng taong 2007-2009 ay nagtrabaho si Tagalobo bilangCompany Forester sa isang international mining firm. Makalipas ang dalawang taon ay naghangad syang pumasok sa ABS-CBN Foundation Inc.-Bantay Kalikasan, at sa kabutihang palad ay natanggap sya dito at nagsilbi ng dalawang taon (2010-2012) bilang Company Forester din.
Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sya sa isang sangay ng gobyerno, ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System bilang isangTechnical Consultant. Patuloy pa rin niyang ginagalugad ang mundo sa paghahanap ng kasagutan sa kung anu ang purpose ng kanyang ikalawang buhay.
“Sa ibinigay Mo na pangalawang buhay sa akin, nangangako ako na kasabay ng paglasap ko sa tamis at pait ng buhay ay magsusumikap akong mamuhay ng naaayon sa kalooban Mo.” -Tagalobo
Ang Pakikipagtalik ni "Tagalobo" sa mga Multo ng Buhay
...alin sa mga multong ito ang nakatalik mo na?
...mahirap na masarap ang magpaalipin sa sarili mong multo. Mahirap sapagkat literal na mahirap itong takasan at minsan ay nagiging parte pa ng mga bangugot mo, subalit masarap sapagkat alam mong nandyan lang sila, pwede mo silang maging kaibigan o kasangga sa pagtahak sa buhay. Sa kabilang dako, sino ba ang mga multong ito? Paano ba sila nabuo o nabubuo? Ito yaong mga multo na ikaw rin mismo ang lumikha. Mga multo na bunga ng iyong mga naging pagpapasya o desisyon sa buhay. Subjective ang epekto nila sa buhay ng kanilang creator na kanila ring pinapanginoon, depende kung paano ang pakikiharap ng kanilang creator sa kanila. Para sa iba, marahil kaakibat ng pagkaalipin sa mga multong ito ay pang araw-araw na pagkabalisa na kung minsan ay aabot pa sa panghabang buhay na kalungkutan kapag di natakasan, subalit kabaligtaran naman para sa ibang ang naging pagturing ay kaibigan at parte ng buhay at pagkatao. Maraming salik sa lipunan ang nagbubunsod upang mabuo ang mga multong ito ng buhay. Nandyan lang ang mga multong yan, naghihintay na iyong patuluyin...
...Sa sitwasyon ko, pinatuloy ko sila hindi lamang sa buo kung pagkatao kundi maging sa kaibuturan ng aking puso…Hayaan nyong isa-isahin ko ang multo ng buhay na aking naka-daupang palad at patuloy na nakakasalamuha sa aking pang-araw-araw na pamumuhay..
...mahirap na masarap ang magpaalipin sa sarili mong multo. Mahirap sapagkat literal na mahirap itong takasan at minsan ay nagiging parte pa ng mga bangugot mo, subalit masarap sapagkat alam mong nandyan lang sila, pwede mo silang maging kaibigan o kasangga sa pagtahak sa buhay. Sa kabilang dako, sino ba ang mga multong ito? Paano ba sila nabuo o nabubuo? Ito yaong mga multo na ikaw rin mismo ang lumikha. Mga multo na bunga ng iyong mga naging pagpapasya o desisyon sa buhay. Subjective ang epekto nila sa buhay ng kanilang creator na kanila ring pinapanginoon, depende kung paano ang pakikiharap ng kanilang creator sa kanila. Para sa iba, marahil kaakibat ng pagkaalipin sa mga multong ito ay pang araw-araw na pagkabalisa na kung minsan ay aabot pa sa panghabang buhay na kalungkutan kapag di natakasan, subalit kabaligtaran naman para sa ibang ang naging pagturing ay kaibigan at parte ng buhay at pagkatao. Maraming salik sa lipunan ang nagbubunsod upang mabuo ang mga multong ito ng buhay. Nandyan lang ang mga multong yan, naghihintay na iyong patuluyin...
...Sa sitwasyon ko, pinatuloy ko sila hindi lamang sa buo kung pagkatao kundi maging sa kaibuturan ng aking puso…Hayaan nyong isa-isahin ko ang multo ng buhay na aking naka-daupang palad at patuloy na nakakasalamuha sa aking pang-araw-araw na pamumuhay..
Multo ng Pagkabata. Nabubuo siya kung ikaw ay isang batang tampulan ng tukso, maging sa pisikal man o mental na aspeto, nakakaangat ka man sa buhay o hindi. Para sa’yo pakiramdam mo naiiba ka bilang bata. Di mo kayang makisabay sa tukso ng kapwa mo bata. Na kalaunan ay masusumpungan mo ang iyong sarili na nilalamon ng pagkahabag dahil sa kakulangan ng kung anumang aspeto ng buhay na iyon, na sa bandang huli ay madarama mo na ang kasiyahan ng kapwa mo bata ay kalungkutan para sa iyo…
Multo ng pagbibinata. Pinakamasarap makasama sa pagbagtas ng masalimuot na buhay ang multong ito. Wala siyang iniisip kundi ang kumawala sa agos ng lipunan at sundin ang pansarili niyang kapasyahan maging tama man ito o mali. Mahilig itong magpatianod sa kawalan sapagkat dun lamang niya nasusumpungan ang kapayapaan. Ang salitang bawal para sa kanya ay kahalintulad ng libog na nakakahumaling ang paglasap.
Multo ng Pag-aaral. Para sa akin ang multong ito ay nababalutan ng hiwaga. Minsan naisipan ko na siyang takasan, subalit ang angkin niyang kakulitan ang nagbunsod upang patuloy akong mahumaling sa kanya na sa pagdaka ay naging daan ng aking pagsikat. Nagdala rin ito ng kasiyahan para sa aking pamilya. Purong kasiyahan para sa kanila subalit magkahalong kasiyahan at lungkot para sa akin sapagkat bawal akong maging tanga, dahil ang katangahan ay isang kasalanan at pagyurak sa aking mga natamong karangalan.
Multo ng Barkada. May iba’t ibang mukha ang multong ito. Sari-saring emosyon ang masusumpungan sa bawat pakikipagtalik sa kanya. Kaulayaw mo ang kumplikadong pagpapasya sa bawat oras na kasama mo siya. Sa karanasan ko, ang multong ito ang umakay sa akin para subukan ang buhay sa labas ng aking sapot. Na sa bandang huli ay naging daan upang kusang dumikit ang mga kulisap habang abala ako sa pagkukumpuni ng masalimuot kong sapot.
Multo ng Pagtatrabaho. Pag-asa ang dala ng multong ito. Lalo na’t ikaw ay isang taong lumaki sa paghihikahos. Ang pakikipagtalik sa kanya ang sagot upang makawala sa tanikala ng kahirapan. Ngunit sa kabilang dako, ang pagmamalabis at pagkahayok sa kanya ay magiging daan upang makalimot sa pansariling pangangailangan at kagustuhan.
Multo ng Pera. Laging hangad ng multong ito na siya ay sambahin. Para sa kanya, siya lamang ang tanging sagot sa problema ng tao at ang katumbas niya ay walang kaparis na kaligayahan. Ang pagkain niya ay dugo’t pawis ng kahirapan at ang basura nya ay kamunduhan at pagkagahaman. Inaanyayahan niya ang lahat na mahirati sa kanyang kinang at malunod sa angkin niyang kapangyarihan.
Sa pakikipagsapalaran natin sa buhay marami pang multo ang maaari nating makaulayaw...sa susunod ko na lamang ikukwento ang iba pang multo na aking nakadaupang palad habang binabagtas ang masalimuot na daan ng buhay....na ako rin ang pumili...
...ikaw, alin sa mga multong ito ang nakatalik mo na o makakatalik pa lamang?
Thursday, May 7, 2009
MGA OBRA KO habang lumilipad ang malayang kaisipan
Hinagpis ng lahing Kuto
Matagal-tagal na rin ang nilakbay ng aming lahi,
Subalit magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang aming pamamayani.
Marahil pinatibay na ng haring panahon ang aming kalooban,
Na nakasalalay sa mas dominanteng nilalang ang aming paglisan.
Sa bawat paglasap namin ng buhay ay may nakaambang kamatayan,
At sa bawat pagkayod dugo’t pawis ang inaasam.
Masalimuot ang aming daan patungo sa kaginhawaan,
Magkagayunman ay kailangan pa rin naming mabuhay.
Mabilis kaming dumami sapagkat naniniwala kami sa sarap ng libog.
Na sa bawat pag indayog ng katawan ay pamamayagpag ng aming lahi.
Tahanan namin ang anit ng lipunan,
At kasiyahan ang maglakbay sa masalimuot na daan.
Gahaman kami sa teritoryong aming pinamumugaran,
Walang pakialam sa nagbibigay-buhay,
Pansariling kapakanan ang laging iniisip,
Kamatayan man ang maging kalakip.
Dugo ng mahinang nilalang aming umagahan, tanghalian at hapunan,
At lakas namin ay init ng araw ang pinagmulan.
Kami ang mga bansot na bampira ng alinmang henerasyon.
Kaagapay nitong lipunan sa pag-urong at pagsulong.
Layunin namin ang patuloy na mangibabaw,
Umakyat sa tuktok at dun magsisigaw.
Kami ay nilikha upang tingalain,
Tahanan man namin ay galugarin at kami ay patayin.
Subscribe to:
Posts (Atom)